When Sadness Strikes

By battik   eLBi 1 Comment »

My happy-level went low today while I am in foreign shores. And for that, allow me to speak in my native tongue.

Hindi naman kasi ito Elbi. Na kung na-homesick ka na, mag-aabang ka lang ng bus na pa-Cubao sa may Olivares. Na kung atat na atat ka nang umuwi, pwede mong iharang ang sarili mo sa bus para lang huminto ito, aura mismo.

Hindi ito Elbi. Na kung bored ka na, lalakad ka lang sa Grove, ma-eentertain ka na ng buong LB community. Na kung nababaliw ka na, pwede mong kahulan ang asong dumadaan sa harap mo. Na kung gusto mong mag-emote, pupunta ka lang sa field, Carabao Park, o sa likod ng Lib.

Hindi naman kasi ito Elbi. Na kung gusto mo ng makaka-mingle, tatambay ka lang sa Hum steps. Na kung nangungulila ka sa company ng pamilya, may berks na dadamay sa iyo. Na kung wala kang makausap, uupo ka lang sa L-bench, makakahanap ka rin ng ka-chika.

Hindi ito Elbi. Na kung nararamdaman mo ang emptiness ng dorm mo, pwede kang mag-jeep papuntang F.O. at mangatok ng dorm sa Chino’s. Na kapag sad ka, stressed, o nag-p-PMS lang, pwede kang mang-crash ng ibang dorm at saka mag-moment.

Hindi nga kasi ito Elbi.

“I Heart LB” @ PDI’s 100 Kwentong Peyups

By eLBi_blurker   UPLB, eLBi No Comments »

Congratulations to Nielsen and others whose articles made it to the Philippine Daily Inquirer’s “100 Kwentong Peyups“. Da best talaga ang eLBi. Syempre pati na rin mga taga-eLBi :)

“My “I Heart LB” blog entry makes it to the Philippine Daily Inquirer’s “100 Kwentong Peyups” (12-Jul-2008 issue), a series of columns to celebrate the UP Centennial.” -Nielsen

“Bakit kaya ako napaibig sa Los Baños?”

Suspect #1: Yung environment.
Suspect #2: Yung pagkain.
Suspect #3: Yung inuman.
Suspect #4 Yung mga tao.
Suspect #5 Yung memories.

“Bakit kaya ako bumabalik sa LB?”

“Home is where the heart is.”

Read the complete “I Heart LB” article at any of these blogs:

blogs ng mga taga-eLBi

By admin   eLBi 18 Comments »

Bukod sa mga blogs na ‘to, may alam pa ba kayong mga blogs ng mga taga-elbi? Kung meron ay paki-lagay na lang sa comments section ng post na ‘to. Maraming salamat!

FT@LB

By dyu   eLBi No Comments »

Napadaan ako sa blog ni Joiz at eto ang aking nakita…

Fertility Tree
http://www.joiz.org/fertility-tree/

WP Theme & Icons by N.Design Studio
Entries RSS Comments RSS Log in

Brought to you by: PinoyBlogoSphere.com

Want the PBS Chat at your blog? Grab it here